|
-
class / communist government?! -
|
Wednesday, September 13, 2006
|
Feeling ko mainit ang panahon ngayon.. although pag gabi, maulan.. tama, mainit ang panahon. Pati nga mga ulo ng mga tao sa paligid, maiinit din..
Kani-kanina lang, umiyak yung friend ko.. tago nalang natin sya sa pangalang Boylie. Si Boylie, sya yung treasurer ng class namin. May assistant treasurer din kami.. na papangalanan kong Leihka.
Ano nga ba ang mga job descriptions ng mga class officers na ito? Dapat, parang sa mga pinag aaralan natin, sa pharmacy department ng isang hospital, bawat employee may job description. Para sakin, sa class, dapat ganun rin.
Ano nga ba ang trabaho ng treasurer? Ano nga ba ang trabaho ng assistant treasurer? Oh. Damay pa natin ang iba, class president, vice-president, auditor, ano pa ba?
Just this morning, probably dahil sa init ng panahon, sa dami ng ginagawa sa school, everyone is like stressed and all that, tas ang dami pang gastos, there comes Leihka again, naniningil nanaman, may nag ka initan.. treasurer vs. a member of the class..
Hindi ko na witness yung nangyari, but, I was able to talk to both sides. I heard their points.
Yeah, theyre both my friends, but I am not a narrow-minded type of person.. im fair.
Ang nangyari kase, ehdi nananiningil nga si Leihka, tas yung isang member ng class, nag somewhat complain, like, “ano? Singil nanaman? Bat ganun, sa class namin dati hindi naman ganun karami mga binabayaran?? Pwede ba kong humingi ng list of expenses? (statement of account)” ganun ganun.. (para nga naman alam nila kung san napupunta yung mga binabayad nila diba)
Sa palagay ko naman,, theres nothing wrong with that. We have our RIGHTS and DUTIES.
We, as member of this class, we have our rights to voice out our complains and suggestions.. right? And to our officers, you also have your duties…
Ang mga simpleng bagay na ganyan, like list of expenses, hindi na pinag tatalunan yan.. dapat naman talaga may ganyan. Tama o tama?
*back to the story,
Leihka told Boylie, uii, si Lakila, humihingi ng list ng expenses daw
Boylie: huh? Anong list of expenses? As in list talaga? Seryoso kaba?
Leihka: oo seryoso. Ewan ko
Boylie confronted the toher person.
Boylie: humihingi ka daw ng list of expenses?
Lakila: ah.. oo.. kasi, bakit ganun, sa section namin dati di naman ganun karami binabayaran namin.
Boylie: bakit, nabibigatan ka ba?
Lakila: di naman. Gusto ko lang malaman. –nagagastos ba lahat?
Boylie: huh?
Lakila: nagagastos ba lahat??
Boylie: alam mo, kung ayaw mong magbayad, ok lang. wag kang magbayad. Pag babayad nalang kita
..Boylie walked out.
Hmmm.. theres nothing wrong sa paghingi ng statement of account, list of expenses, whatever you call it. I repeat, there is nothing wrong with that.
But please, be careful with your words naman din, the way Lakila asked nagagastos ba lahat?? was kinda offending on Boylies part.
Right? Parang, nag ddoubt ka ba na kinukupitan ko yung funds ng class??
*haha! Unang una, before mo dapat questionin yung tao, kilalanin mo muna.. baka kasi hindi mo alam, hindi kelangan nung tao mangupit.. dahil mas marami pa ang allowance nya sa classfunds.
Gets mo? mas ma-pera pa sya sa clase. Haha!
Boylie said, kung humingi sya kala mo kung sino mag utos. (kinda bossy kasi yung isa) di ko trabaho yun. Trabaho ng auditor yun.
Auditor = assessor, examiner, inspector
May treasurer, assistant treasurer, may auditor.
Kung ang assistant treasurer ang taga-singil, ang auditor ang taga gawa ng list of expenses, anong trabaho ng treasurer?
Question is: ano nga ba talaga ang job description ng auditor? At treasurer? Para malaman kung sino dapat ang may alam ng expenses, at makagawa na ng list of expenses.
| |